History, Mision and Vision

Majayjay Laguna

History

Ang Bayan ng Majayjay

Ayon sa matandang kasaysayan ang pangalang Majayjay Barangay ay napalitan ng pangalang Mahayhay o Majayjay nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa. Ang mga nagtutungo sa Majayjay ay inilululan sa duyan o hamaka dahol sa lubhang mataas ang inaahong mga bundok na kinalalagyan ng lugar na iyon. Dahil nga sa mahabang pag-ahon at mabigat ang kanilang dala ang mga naglalakbay ay nagpatuloy sa pagtaghoy ng hay , hay, hay, na nagpapakilalang sila ay hirap na hirap sa kanilang pag lalakad

Nang ang mga kastila ay kasalukuyang nagpapalaganap ng pananakop sa bayan ng Majayjay, sila’y hindi lamang sa inaahong mga bundok nahihirapan kundi gayon din sa madawas at maliliit na daan, gayon din sa mga baku-bakong sapa at ilog at maliit na tinatawid. Dahil nga sa hirap na kanilang dinaranas ay napilitan silang magpahinga at inaalis ang pagod sa paghinga ng malalim at pagtaghoy ng “hay, hay. hay.”

Kapag tinatanong noon ang isang tagapag-buhat kung anong masasabi tungkol sa pook ng iyon, nga ang isinasagot ay “maraming hay, hay muna bago dumating doon. At dito nagsimula ang pangalan ng bayan ng Majayjay.

Nang mga panahon iyon ang Majayjay ay isa sa pinakamalaking bayan sa Laguna. Ang mamayan ay umaabot sa 15,323 at nasasakupan nito ang nayon mga bayan ng Luisiana at Magdalena.

Nang taong 1880 ang nayon ng Ambling ng Munti ay naging bayan ng Magdalena at nang taong 1888 ang nayon ng Nasunog ay binigyan ng karapatang makapagsarili at bayan ng Luisiana. Sa pagiging bayan ng dalawang nayon, ang Majayjayay lumiit at nabawasan ang bilang ng mamamayan. Nagkaroon din ng paghahabulan sa hangganan ng bayan ng Liliw at Majayjay na tumagal mula noong 1917 hanggang 1925. Noong Oktobre 13, 1925, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor ay natapos ang usapin ng dalawang bayan at ang mga nayon ng Banaan, Tui, Silangang Bukal, Ibaba at Ilayang San Roque ay nananatiling sakop ng Majayjay

Mission
To proactively contribute towards better societies by providing services in the areas of planning, geographic information system, management information system for the enhancement of services and performances of people and organizations in public and private sectors.
Vision

A world-class planning and systems provider that ensures better and affordable-innovative services of its clients.